Hindi kailangan sumusuko sa ating pangarap sa ating buhay.Kailangan nating magsumikap at magtiyaga ano man dumating sa ating pagsubok mabigat man ito.Kailangan din nating sa ating mga pangarap ay ang may takot sa Diyos at talagang nasa puso si God dahil hindi din natin matutupad ang ating pangarap kung wala si God sa buhay natin.
Abes
Wednesday, April 27, 2016
Wednesday, April 20, 2016
Bestfriend na nawala
Bespren? Meron ako dati nyan pero ngayon wala na friends na lang. Isang hindi lang pag-kakaintindihan lang nawala na lahat sobrang nakakahinayang ang aming pinagsamahan na kahit wala kaming pera basta magkita lang kami sobrang saya na namin kakain lang sa duro-duro okay na wala ng arte arte pa.Simple lang kaming dalawa sobrang bugak namin pag nagkakasama kaming dalawa akala mo apaka tagal hindi nagkita eh kadalas nga namin magkita pero ngayon sobranf dalang na namin magkita este hindi na pala kami nagkikita pero friends pa rin kami sana nga magkita kami at sana gaya pa din kami ng dati.
Effort Goal
Effort Goal? Kailangan natin yan lahat.Lahat ng tao ay kailangan ng effort isa yan sa nagpapasaya sa isang tao. Ang pag-eefort ay dapat ginagawa ng mga tao ng bukal sa puso mo hindi yung pinipilit mo lang kasi may nagsabi lang sayo o may nagtulak na gawin mo kailangan ay kinukusa mo wag pinipilit dahil hindi magiging maganda ang kinalalabasan ng iyong gagawin.
Pagsubok na hindi malilimutan
Ito ang pagsubok kong hindi malilimutan na ang aking kapatid na panganay ay nawala na kinuha ni Lord.Ang hirap palang mawalan ng mahal sa buhay lalo at kapatid mo pa.Ang hirap sa damdamin na naghihirap na ang kapatid mo kaya minsan nasabi ko nalang kay Lord na "Lord kunin nyo na po sya ayaw na po namin syang nahihirapan" pero sobrang saya dahil ang aking kapatid ay lumalaban na akala namin HIMALA na at komatos na sya at nawalan ng oxygen sa utak pero nagising pa sya talagang figther pa nya pero yun pala nagpakitang gilas nya para bago sya mawala masaya kami.Sobrang sakit na araw araw akong umiiyak at laging nagtatanong kay GOD na Lord bakit naman po ambilis ng pangyayari ? Bakit po ambilis nyo po syang kinuha ? Masaya naman po kami wala naman po kaming malaking kasalan pero lagi ko nalang iniisip na oras na talaga nya at kailangan na namin talagang tanggapin ang nangyari at alam naman namin na kapiling na nya si GOD at wala na syang problema yun nga lang sobra sobrang nakakamiss sya.Sya yung pinaka-close ko sa magkakapatid at sobrang sweet nya sa akin at ako lang ang prisesa nya.Sobrang sakit din pala yung nakikita mo yung parents mong umiiyak dahil sa nangyari wala naman akong nagawa dahil hindi na namin maibabalik sya.Pero Thanks GOD at naalagaan pa namin sya at naiparamdamnamin kung gaano namin sya sobrang mahal.At ngayon kami ay nagpapakatatag sa tulong ni GOD.
Friday, April 15, 2016
Pamilyang masaya
kami ang pamilyang masaya at may takot sa Diyos, kami din ang pamilyang parang magkakabarkada lang pero hindi nawawala ang pag galang sa isa't-isa.Kahit simple lang lang ang aming pamumuhay ay okay lang kami at msaya pa din .Marami man problema ang dumadating sa aminay nahaharap namin ito na na may saya at marami man ang pag aalisputa nila sa amin ay okay lang, kahit minsan magkakalayo kami dahil nagbubukid ang aking dalawang kapatid na lalaki at aking ate ay nag-aalaga ng aking lola at kaming apat lang sa amin bahay bahay at pag-nagkakasama kaming lahat ay sobrang saya, kanya kanyang kwento sa mga nangyayari sa amin sa araw-araw at ngayon nawalan kami ng isa sa pamilya sobrang lungkot man pero pinipilit parin namin maging matatag at ipagpatuloy ang pamumuhay araw-araw.
Para sayo kaibigan
Para sayo, Isa ka sa pinakamahalagang tao para sa akin.Kaibigan salamat sa lahat kayo yung kapatid ko sa ibang ina.Salamat kasi hindi nyo ako iniiwan,hindi nyo ako hinusgahan,hindi nyo ako pinababayaan.Kayo ang lagi kong kasama sa panahon na masaya at malungkot ako , andyan kayo kayo para tulungan ako sa lahat.Kayo ang sandigan ko sa oras na may problema ako sa pamilya ko na hindi ko masabi sa kanila.Kayo yng handang makinig at umalalay sa oras na hindi ko alam kung san ako tutungo.Kayo yung handang magpayo mg paulit ulit.Bestfriend,kapatid,bro,tol,be,panget yan ang mga tawagan na buo sa kalokohan.KAIBIGAN yan yung kasama mong tumambay,tumawa,makipagkulitan.Nagkakatampuhan man tayo minsan pero mahal nyo pa din ako at mahal ko pa din kayo.Salamat sa pagpapasaya sa tuwing ako ay nasasaktan kayo agad ang nagpupunas ng aking luha.Kayo yung hindi plastik na tao.Maramimg salamat sa inyo sana wala pa din magbago sa atin. IloveyouGuys:)
Paano mag move-on?
Maraming tao na hindi pa nakakamove-on.Ang salitang move-on ay maraming kahulugan hindi naman ngunit move-on pag-ibig na agad, yung iba sitwasyon,baestfriend at iba pa.
bakit nga ba ang hirap gawin ang move-on? Dahil ayaw na nya gusto mo pa,minahal muna ng sobra iniwan kapa? Pinahalagahan mo naman ibinigay mo ang gusto iniwan ka pa din.Pag kasi nagmahal wag muna sobrang mahalin,lagi kasing iniisip na sya na sya ng si Mr.Right?Mahirap talagang gawin yan,pero hindi mo ba naisip na marami naman na tao na nakapaligid sayo na minamahal ka katulad ng Family,Friends lalo si God hindi ka naman nya iiwan lagi nman tayo ang nang-iiwan kay GOD.At dapat hindi lahat ng atensyonmo ay laging nasa kanya.Kaya hindi na dapat pang balikan ang mga nakaraan lalot kung alam mo sa sarili mo na masasaktan kalang,papaasahin mo lang ang sarili mo na babalik pa sya kaya magfocus ka nalang kay GOD,Family,Friends,Study.
Subscribe to:
Posts (Atom)