Friday, April 15, 2016

Ang tunay na kalayaan




Maraming mga tao ang nagsasabi na ang ibig-sabihin ng kalayaan ay ang paggawa natin ng kahit na ano mang gustuhin natin kahit ano pa man ito pwede magnakaw,pumatay,magdroga atb.. Pero ito ba talaga ang tunay na kahulugan ng kalayaan.Ang kalayaan ay ang paggawa ng ating gustong gawin.Subalit maiihalintulad natin ang kalayan sa mga ibong lumilipad sa himpapawid.Hindi bat masaya? Sapagkat nagagawa natin ang ano mang nais natin gawin, mayroon tayong karapatang pumili ayon sa ating gusto tama man ito o mali sa paningin ng ibang tao.Noon,para sa akin, naniniwala talaga ako na ang kalayaan ay ang paggawa natin ng ating gustong gawin,Pero ngayon, ang kalayaan ay ang paggawa ng tama na walang limitasyon.Kailangan natin gamitin ng wasto ang ating kalayaan.Pag isipan muna natin mabuti bago natin ito gawin.

No comments:

Post a Comment