Friday, April 15, 2016

Natuturuan ba ang puso






Sabi nila,nagsisimula ang pagmamahal sa knowledge, sa isip nalalaman kung ano nga ba ang pag ibig o pagmamahal.Ang pag ibig ay masyadong abstract.Maraming ibig sabihin dipende na lang sa taong nakakadarama nito, Pero made-define mo ang love kapag may sapat kang kaalaman dito.Ito ay ay maaring galing  sa nababasa,naririnig o nararanasan.Hindi mo madedefine ang definition ng love kung wala kang alam tungkol dito.Kaya ibi sabihin,mahalagang parte ng pagunawa sa pag-ibig ay ang utak.Isa ito sa tutulong sayo bukod sa puso,kung papaano  m0 malalaman kung nagmamahal kaba o hindi.Pero natuturuan din ba ang puso tulad ng utak? Kaya bang turuan ng utak ang puso kung papaano magmahal? Sa tingin ko ay hindi,kahit gaano mo ipagtulakan ang puso,may sariling utak yan.Gagawin nya ang nais nyang gawin,hidi mo sya pwedeng diktahan, ipaglalaban nya kung ano sa tingin nya ay tama.Hahamakin nya lahat para sa nararamdaman nya.Minsan makasarili pero hindi mo sya masisisi dahil hindi mo sya pwedeng turuan.Ganyan sya ginawa ng Diyos para magkaroon ng damdaming"Unconditional', Tipong kahit durog na sya mabubuo muli sya kapag nagmahal muli ang tao.Kaya hindi ako naniniwla na natuturuan ang puso dahil ang puso ay puso at ang isip ay isip.

No comments:

Post a Comment