Wednesday, April 20, 2016

Pagsubok na hindi malilimutan


Ito ang pagsubok kong hindi malilimutan na ang aking kapatid na panganay  ay nawala na kinuha ni Lord.Ang hirap palang mawalan ng mahal sa buhay lalo at kapatid mo pa.Ang hirap sa damdamin na naghihirap na ang kapatid mo kaya minsan nasabi ko nalang kay Lord na "Lord kunin nyo na po sya ayaw na po namin syang nahihirapan" pero sobrang saya dahil ang aking kapatid ay lumalaban na akala namin HIMALA na at komatos na sya at nawalan ng oxygen sa utak pero nagising pa sya talagang figther pa nya pero yun pala nagpakitang gilas nya para bago sya mawala masaya kami.Sobrang sakit na araw araw akong umiiyak at laging nagtatanong kay GOD na Lord bakit naman po ambilis ng pangyayari ? Bakit po ambilis nyo po syang kinuha ? Masaya naman po kami wala naman po kaming malaking kasalan pero lagi ko nalang iniisip na oras na talaga nya at kailangan na namin talagang tanggapin ang nangyari at alam naman namin na kapiling na nya si GOD at wala na syang problema yun nga lang sobra sobrang nakakamiss sya.Sya yung pinaka-close ko sa magkakapatid at sobrang sweet nya sa akin at ako lang ang prisesa nya.Sobrang sakit din pala yung nakikita mo yung parents mong umiiyak dahil sa nangyari wala naman akong nagawa dahil hindi  na namin maibabalik sya.Pero Thanks GOD at naalagaan pa namin sya at naiparamdamnamin kung gaano namin sya sobrang mahal.At ngayon kami ay nagpapakatatag sa tulong ni GOD.

No comments:

Post a Comment